-- Advertisements --
Sinimulan na ng England ang mas mabigat na multa sa mga lalabag sa coronavirus health protocols.
Sinabi ni United Kingdom health secretary Matt Hancock na mappapataw sila ng multa ng halost $13,000 sa mga indibidwal na hindi magsasagawa self-isolation.
Sa nasabing hakbang aniya ay maiiwasan ang pagpapatupad nila ng national lockdown.
Mapipilitang din aniya itong tumawag ng mga kapulisan sa mga lalabag.
Magsisimula ang nasabing pagpapatupad ng lockdown simula Setyembre 28.
Sa nasabing bagong batas ay kailagang mag-self-isolate ang mga nagpositibo sa coronavirus o kapag sila ay maituturing na isang close contact ng nagpositibo sa COVID-19.