-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng FIFA Womens World Cup ang England matapos talunin ang host country na Australia 3-1.

Nagtulungan sina Lauren Hemp at Alessia Russo para tuluyang makapasok ang England sa finals at makaharap nila ang Spain.

Ito ang unang pagkakataon na makapasok sa finals ng Womens world cup ang dalawang koponan.

Magugunitang tinalo ng Spain ang Sweden 2-1 sa kanilang paghaharap sa semifinals.