-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kampante ang mga imbestigador ng Butuan City Police Station 3 (BCPS)-3 na walang foul play sa pagkamatay ng regional enforcement and investigation officer ng National Food Authority (NFA)-Caraga.

Ito’y matapos makitang wala ng buhay sa loob ng kanilang bunk house si Engr. Rene Valdez Lida, 52-anyos na taga-South Cotabato.

Ayon sa imbestigasyon ng BCPS-3, napansin na ng kanyang mga kasamahan na bago natagpuan ang biktima ay hirap na ito sa paghinga.

Naiwan umano ito sa kanilang bunk house at sa kanilang pagbalik ay dito na nila napansing wala na itong buhay.