Hindi sineseryoso ng ibang mamamayan sa UK ang ipinatupad na Enhanced Community Lockdown doon at may iba na lumalaban pa sa mga pulis.
Ayon kay international correspondent Marah Augusto, karamihan sa mga tao ay sumusunod naman sa protocol ng UK government ngunit di talaga maiiwasan na may iilan na pasaway at hindi sumusunod sa gobyerno.
Nang magdeklara ng Enhanced Community lockdown ang UK government, maaari lamang lumabas ang mga tao kung sila ay magtatrabaho o isa sa mga frontliners at kung bibili ng basic commodities sa grocery store at dapat ay meron silang quarantine pass.
Ani Augusto, maaari din namang mag jog ang mga tao ngunit kailangang dumistansiya sa iba ng 2 metro.
Dagdag pa ni Augusto, problema ang pagkontrol sa iilang sumusuway sa utos ng gobyerno at ang kawalan ng disiplina ng iba dahil sila ang maaaring magsanhi ng pagtaas ng covid-19 case sa nasabing bansa.