-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dalawang katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease sa Kidapawan City.

Ito mismo ang kinumpirma ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista at Department of Health (DOH-12).

Agad ibinalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang siyudad ng Kidapawan kung saan bago lang itong na-ideklarang Modified Community Quarantine.

Pinakahuling nagpositibo sa Covid 19 sa Kidapawan City si PH 3989, 49-anyos, may asawa, lalake at may travel history sa Matina Gallera sa Davao City.

Unang nagpositibo sa Covid 19 sa Kidapawan City si PH 3671, Nurse, pitong buwang buntis at may travel History sa bansang Abu Dhabi,Singapore at Davao City.

Nilinaw naman ng DOH-12 na nasa maayos ng kalagayan sina PH 3989 at PH 3671 kung saan hinihintay na lamang ang ikalawang resulta sa kanilang swab test habang nasa Isolation Center sa Kidapawan City.