-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isasailalim sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang buong lungsod ng Davao upang mapigilin ang pagkalat ng coronavirus disease.

Batay sa Executive Order No. 23 na inilabas ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, mag-uumpisa ang ECQ alas-9:00 ng gabi Abril 4, Sabado at matatapos sa Abril 16 alas-11:59 ng gabi.

Sa kabila nito, muling nilinaw ni Mayor Sara na walang dapat ipangamba ang publiko dahil mananatili pa ring bukas ang mga groceries, supermarkets, wet markets/palengkes, food commissaries, food processing and manufacturing, food delivery services, wholesale food stores, convenience stores, sari-sari stores, hospitals, medical laboratories, pharmacies, drugstores, doctor’s and dentist clinics, other health personnel/services, banks and ATMs, savings and credit cooperatives, money-transfer services and bayad centers, courier services, other delivery services, gas stations, water refilling stations, LPG stations, business process outsourcing/call centers and mass media outlets.

Ang mga restaurant, cafe, eatery o karenderia, food stalls at kaparehong klase ng tindahan pinahihintulutan na magbukas pero para lamang sa take-out orders at food delivery services.

Dagdag pa ng alkalde, maaring bumalik sa normal ang buhay ng mamamayan kung susunod ang lahat sa mga itinakdang guidelines ng mga doktor patungkol sa quarantine, at sa oras na wala nang dabawenyo na may impeksiyon maari nang tapusin ang quarantine.