-- Advertisements --

Muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng militar at mga teroristrang Maute terror group kanilang alas-5:30 ng madaling araw sa bayan ng Piagapo comples sa Lanao del Sur.

Ayon kay 1st Infantry Division Commanding General, BGen. Joselito Rolando Bautista na lumipat sa Piagapo mula sa bayan ng Butig noon pang nakaraang Biyernes.

Sinabi ng heneral na mga concerned citizens ang nagbigay ng impormasyon sa militar kaugnay sa presensiya ng teroristang grupo.

Aniya, dahil sa matinding military pressure Butig partikular sa probinsiya ng Lanao kung kayat lumipat ang Maute sa Piagapo.

Patuloy pa rin bini-verify ng militar na nasa 15 miyembro ng Maute terror group ang nasawi sa nagpapatuloy na labanan.

Sa kabilang dako, nasa 300 pamilya umano ang nagsilikas dahil sa sumiklab na labanan.

Naghigpit na rin ng seguridad ang militar at pulisya sa Lanao del Norte at Iligan City.