-- Advertisements --

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na isang political pressure ang peace rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) na dinaluhan ng tinatayang 1.8 milyong katao noong Enero 13, bagamat maganda aniya ang layunin nito.

Sa isang statement, sinabi ng dating Senador na para sa kaniya isa itong political pressure upang pigilan ang hiwalay at independent na executive branch na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gampanan ang kaniyang constitutional duties.

Malinawag aniya ito sa mga talumpating binitawan sa rally.

Iginiit din ni Enrile na ang Pangulo bilang nahalal na chief executive ng bansa ay may kapangyarihan at tungkulin na makipag-ugnayan sa dalawa pang sangay ng pamahalaan upang makamit at mapanatili ang pagkakaisa para sa mahusay na operasyon ng pamahalaan.

“There is no question that the INC peace rally was a peaceful assembly. But were there “GRIEVANCES” to be redressed? Pardon me for my impression–to me,there was none. To me, although it was well-intention, the peace rally was more like a political pressure to hinder a separate and independent department of the government to perform a constitutional duty. This was evident from the speeches delivered in that rally.”

“On the other hand, the President, as the duly elected Chief Executive of the land, and one of the three independent and separate branches of our government, has the power and duty to COORDINATE with the two other branches of our government to achieve and maintain a unity and harmony in the efficient operation of the government in our society. No one can do that officially except him.”

Bagamat, nilinaw ng dating Senate President na hindi siya kontra sa INC at nagpaliwanag din sa kaniyang naunang post hinggil sa peace rally na ikinagalit ng marami partikular na ng mga miyembro ng INC.

Aniya, ang sinuman sa bansang ito, relihiyoso man o hindi, ay may karapatan para mapayapang magtipon at magpetisyon sa gobyerno para sa pagtugon sa mga hinaing.

“I am not against the INC. I am fully aware that in this country, everyone, religious or not, is entitled to exercise “the right of the people to peaceably assemble and petition the government for redress of grievances.”

Ito naman na aniya ang huling pagkakataon na magsasalita si Enrile sa naturang usapin subalit nakahanda umano siyang harapin ang sinuman sa anumang forum para talakayin at pagdebatehan ito.

Nauna na ngang nanindigan ang INC na hindi political ang kanilang idinaos na peace rally para suportahan ang pagtutol ni PBBM para sa isinusulong na impeachment kay VP Sara Duterte.

Nauna na kasing sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ito magbebenepisyo sa mga Pilipino at kamakailan lang ay inihayag din ng Pangulo na hindi napapanahon ang impeachment.