Inihayag ni dating senador at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na hindi napayuhan ng tama si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapahintulot ng operasyon ng POGO sa bansa.
Ito ay batay sa inilabas na Executive Order 13 ng dating Pangulong Duterte noong 2017.
Sa ilalim ng naturang kautusan pinayagan ang operasyon ng online gambling sa labas ng mga ecozone.
Sinabi ni Enrile, hindi inaral ng mabuti ng nakaraang administrasyon ang pagpapahintulot sa operasyon ng POGO lalo na at banned o ipinagbabawal na ito sa maraming bansa sa Asya gaya ng Cambodia.
Sabi pa ng dating senate president, wala sa isip niya o ng sino mang mambabatas ang POGO nang buoin ang RA 7922 o Cagayan
Special Economic Zone Act of 1995 gayundin ng kaniyang repasuhin ang PAGCOR Charter.
Sinabi ni Enrile na tama lang ginawang pagbabawal ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa operasyon ng POGO sa bansa.
Maging siya ay sisipain din nito ang POGO palabas ng bansa dahil maituturing na money laundering operation