Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na magsisimula sa Marso 10 ang pre-voting enrollment para sa mga overseas Filipino na gagamit ng internet voting sa May 12 midterm elections.
Ayon sa Comelec, kailangang magparehistro sa Overseas Voting and Counting System (OVCS) ang mga botanteng nasa Philippine Posts na gumagamit ng internet voting. Ang enrollment ay tatagal hanggang Mayo 7, 2025.
Pinapayuhan ang mga botante na gumamit ng sarili nilang internet-capable device para sa pagpaparehistro at alamin ang iskedyul ng mobile pre-voting enrollment sa kanilang Philippine Post. Magkakaroon din ng voting kiosk sa mga Philippine Posts sa panahon ng overseas voting.
Kapag matagumpay ang enrollment, maaaring bumoto online ang botante mula Abril 13 hanggang Mayo 12, 7 p.m. .