-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Target ngayon ng Israel na titirahin ang nuclear enrichment facility ng Iran na nasa central province ng Isfahan kungsaan nadinig umano ang malakas na pagsabog kahapon sa kanilang paglunsad ng missiles attack .

Ito umano ang dahilan na hindi kaagad sila gumanti nang magsagawa ng drones at missiles attack ang Iran nitong nakaraang weekend dahil kina-calibrate pa ng Israel ang kanilang arms positioning.

Ito’y upang kanilang matumbok ang lokasyon ng missile defense systems ng Iran na na-activate sa kanilang paglunsad ng missiles attack kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Pinoy Gonzales mula sa Estados Unidos na ka-alyadong bansa ng Israel, hindi gusto ng Israel na magtagumpay sa kanilang pag-i-enrich ng nuclear bomb ang Iran kung kaya’t kanilang inantay ang tamang oras sa pagtira ng missiles laban sa naturang bansa.