-- Advertisements --

Nakalabas na sa Philippine Area of Responsability (PAR) ang bagyong Enteng.

Ayon sa PAGASA, na kahit nasa labas na ng PAR ang bagyo ay bahagyang lumakas pa rin ito.

Nakita ang sentro nito sa may 265 km West Northwest ng Laoag City.

May taglay na lakas ng hangin na 100 kph at pagbugso ng hanggang 125 kph.

Tinanggal na rin PAGASA ang lahat ng tropical cyclone wind signal sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Pagbabala pa rin ng PAGASA na palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.