Mas lumakas ang bagyong “Enteng” habang binabagtas nito ang karagatan ng bayan ng Bagamanoc, Cartanduanes.
Mayroon itong dalang lakas ng hangin na 65 hanggang 80 kilometer per hour at gumagalaw ng patimog na bahagi ng bansa.
Itinaas naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind signal number 2 sa mga sumusunod na lugar ang Caramoan, Camarines Sur; mga bayan sa Catanduanes na kinabibilangan ng Virac, San Andres, Pandan, Bato, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, San Miguel, Viga, Baras, Caramoran at ang mga bayan ng Palanan, Divilacan, Dinapigue sa Isabela.
Nananatiling nasa signal number 1 ang mga bayan sa Cagayan gaya ng Baggao, Pe, Lal-Lo, Gattaran, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Aparri, Camalaniugan, Alcala, Amulung, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana kabilang ang Babuyan Islands.
Bayan sa Isabela na kinabibilangan ng San Agustin, San Guillermo, Jones, Echague, San Mariano, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Benito Soliven, Naguilian, City of Cauayan, Angadanan, Reina Mercedes, Luna, Burgos.
Maging sa Quirino (Nagtipunan, Maddela, Aglipay, Saguday), Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), Aurora, northern at southern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Lopez, Calauag, Catanauan, Gumaca, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Unisan, Pitogo, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Plaridel) kasaman na ang Polillo Islands, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate incuding Ticao at Burias Islands
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at northeastern portion of Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo) –
Nagbabala ang PAGASA na magkakaroon ng malalakas na pag-ulan dahil sa nasabing bagyo.
Pinayuhan din nila ang mga nasa malapit sa kailugan na lumikas at maging ang mga mangingisda na iwasan ang paglayag.