Napanatili ng Bagyong “Enteng” ang lakas nito habang binabaybay ang pahilagang direksyon sa Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 510 kms silangan hilagang silangan ng lungsod ng Tuguegarao, Cagayan o 495 kms silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna, at may pagbugsong papalo ng hanggang 70 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilaga sa bilis na 25 kph.
Mananatili namang malayo sa kalupaan ng bansa ang naturang sama ng panahon, ngunit inaasahang magiging ganap itong tropical storm ngayong Linggo ng umaga.
Samantala, huli namang nakita ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng West Philippine Sea sa layong 225 km kanluran ng Iba, Zambales.
Sinabi ng weather bureau, mababa pa raw sa ngayon ang tsansa na maging ganap na tropical depression ang naturang LPA.