Napapanatili ng bagyong Enteng kaniyang lakas habang nananalasa sa Cordillera Administrative Region.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa Rizal, Kalinga.
May taglay itong lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 140 km/h.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa mga sumusunod na lugar: Ilocos Norte, Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Bantay, Santa, Caoayan), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino (Cabarroguis, Maddela, Aglipay, Diffun, Saguday), Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag), at Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan).
Habang nasa Signal number 1 ang mga sumusunod : Batanes, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan (Sison, San Manuel, San Quintin, Tayug, Natividad, San Nicolas), Benguet, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, Quirino,Aurora (Maria Aurora, San Luis, Dipaculao, Baler), Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon).
Nagbabala ang PAGASA na magkakaroon pa rin malakas na pag-ulan ang nasabing bagyo.
Inaasahan na tuluyang lalayo na sa PAR ang bagyong Enteng sa gabi ng Miyerkules o sa umaga ng Huwebes.