-- Advertisements --

Pinag-iingat ng grupong ecowaste coalition ang publiko laban sa mga plastic Chirstmas balls na kalimitang ginagamit bilang dekorasyon sa mga Christmas tree.

Ginawa ng grupo ang babala kasabay ng umano’y natuklasang mga plastic balls na nagkalat ngayon sa iba’t-ibang mga palengke sa National Capital Region habang papalapit ang Christmas holiday.

Ayon sa ecowaste coalition, nakabili ito ng hanggang sa 60 sample na may iba’t-ibang disenyo, kulay, at sukat sa mga retail store sa Manila at Quezon City.

Ginamitan nila ang mga sample ng handheld X-Ray Flourescence Analyzer at natuklasang may mataas na Bromine content ang mga ito.

Sa animnapung sample, 57 ang napatunayang may mataas na toxic chemical.

Ang Bromine ay isang uri ng chemical na mapanganib sa kalusugan kung nalanghap. Nagdudulot ito ng pananakit ng lalamunan, mata, ilong, at chest tightness.

Kapag nailapit sa balat ang bromine gas o liquid bromine, nagdudulot din ito ng skin irritation o pagkapaso.