-- Advertisements --

Nagbabala ang grupong EcoWaste Coalition sa lahat ng nagkakalat sa paligid lalo na ngayong panahon na kakatapos lang ng kampanya at mismong araw ng eleksyon.

Dumagdag pa kasi sa mga nagkalat na basura ang mga election paraphernalia at iba pa na ginamit sa panahon ng eleksyon.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo philippines, sinabi ni EcoWaste Coalition national coordinator Aileen Lucero na maaaring maharap sa karampatang kaparusahan ang sinumang mahuling nagkakalat at sumisira sa kalikasan nang dahil malinaw aniya na paglabag ito sa anti-littering law ng bansa at mga anti-littering ordinances na ipinapatupad sa mga lokal na pamahalaan.

Ngunit pag-amin ni Lucero, sa kabila ng lahat ng mga batas na ito ay ipinagwawalang bahala pa rin ito ng karamihan partikular na ang mga indibidwal na may alam at nagpapatupad ng mismong mga batas na ito.

AV..

“Yung R.A. 9003 ang lahat ng naglilitter ay meron tayong anti-littering law on a national level, at doon sa mga local na mga lugar ay mayroon ding kaniya-kaniyang mga lokal na pwedeng doon ikaso.” ayon kay Lucero.

Samantala, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa lahat na magsimula nang maglinis ng paligid at magligpit ng mga kalat na tayo rin ang may dahilan.

“Syempre nga dahil ‘yan ay araw ng eleksyon ay walang nakakaisip na, “ay meron palang kaso ‘to, ay meron palang in violation pala ito ng isang batas”, yung ganon kasi wala namang nagpapatupad ng batas, wala namang nanghuhuli kaya malaya sila o kaya parang normal na sa kanila yung pagkakalat na ‘yan.” ani Lucero.

“Pero yun nga yung isa sa ikinalulungkot natin kasi itong mga may alam sa batas, nagpapatupad ng batas ay ini-ignore nila yung mga nakikita nilang pagkakalat.” dagdag pa niya.

Ngunit ipinaalala niya na lahat ng clean up operations na gagawin ay dapat na alinsunod pa rin sa mga environmental laws sa bansa tulad ng pag-recycle at pag-iwas sa linis-tambak at pagsusunog ng basura.