-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Ibabalik na ngayong araw sa Hong Kong ang mga basura na ipinuslit sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Dumating ang naturang kargamento sa bansa noong buwan ng Pebrero na sinasabing electronics accessories ngunit nabunyag na electronic waste pala ang mga ito.
Sinabi ni Mindanao Container Terminal (MICT) port collector John Simon na may gagawin munang isang seremonyas na dadaluhan ng advocay group, Ecowaste coalition at iba pang mga grupo bago tuluyang aalis ang barko na magdadala ng mga basura.
Iginiit ni Simon na hangga’t siya pa ang port collector ng Customs ay hindi niya papayagan na magtagumpay ang pagpuslit ng basura sa rehiyon.