-- Advertisements --
canada trash rally

Pinapauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ambassador at consul ng Pilipinas sa Canada matapos na mabigo ang Canadian government na kunin sa itinakdang May 15 deadline ang ilang toneladang basura na ipinadala sa Pilipinas ilang taon na ang nakalilipas.

Sa mga Twitter posts nitong araw, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na may inilabas na silang liham sa mga ambassador at consuls sa Canada para sa recall ng mga ito.

Inaasahan daw niya na makakabalik ang mga ito sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Sinabi ng kalihim na nagdesisyon ang Pilipinas na basawan ang diplomatic presence ng bansa matapos hindi sumipot ang mga kinatawan ng Canadian government sa isang meeting kasama ang mga Customs officials sa Japanese enthronement ceremony.

Noong nakaraang buwan lang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang maibalik sa Ottawa ang mga basurang ipinadala sa Pilipinas.

Nagbabala pa nga ang Pangulo na ang issue na ito ay maaring maging mitsa ng isang giyera.

Matatandaan na noong taong 2013 hanggang 2014 dumating sa Manila ang 103 containers ng basura mula Canada.

Naglalaman ang mga containers na ito ng mga gamit na plastic bottles, bags, newspapers, gamit na diapers at iba pa.