Nanindigan si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na hindi madedehado ang mag magsasaka ng bansa sa ginawang pagpirma ni PBBM sa EO 62.
Ang naturang EO ay ang nagbabawas sa taripa ng mga inaangkat na bigas mula sa dating 35% pababa sa 15%.
Ayon sa kalihim, hindi dapat mabahala ang mga magsasaka kasunod ng pagtapyas sa taripan ng imported na bigas.
Hindi aniya anti-farmer ang naturang hakbang bagkus makakatulong ito upang matugunan ang pangangailangang magkaroon ng bigas sa mga merkado na may mababa o abot kayang presyo.
Kung anuman aniya ang mawawalang pondo sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund(RCEF) ay tututukan naman aniya ng gobierno na punan upang magtutuloy-tuloy pa rin ang suporta sa mga magsasaka.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na pinaplano na ng DA ang pagdaragdag ng suporta sa mga magsasaka sa ilalim ng mechanization program at additional fertilizer support.