TUGUEGARAO CITY – Nanawagan ang Ecowaste Coalition kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng executive order na nagbabawal sa paggamit ng plastik sa bansa.
Sinabi ni Eloisa Tolentino ng Ecowaste na nakakatakot na ang problema sa plastik sa bansa kung saan ay tinukoy niya ang isang pag-aaral ng isang duktor at Department of Science ans Technology sa tahong o mussle kung saan may nakita dito sa plastik.
Tinukoy din ni Tolentino ang pangamba ng isa pang dalubhasa na sa susunod na 10 taon ay baka mas marami ang micro plastic kaysa sa mga isda sa dagat.
Binigyang diin ni Tolentino na mapanganib ang mga plastic sa mga yamang dagat at maging sa mga tao na kakain nito.
Sinabi pa ni Tolentino na may panukalang batas na ukol sa ban sa paggamit sa lahat ng uri ng plastik subalit naabutan ito ng eleksyon kaya hindi nakarating sa final reading sa Kongreso.
Dahil dito, sinabi niya na hinihintay nila kung sino ang magiging chairman ng Committee on Environment sa Kamara at Senado para i-lobby nila ang nasabing panukalang batas.