-- Advertisements --

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.

Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas ang food security ng bansa.

Sinabi ni Sen. Go, nagsasagawa na ngayon ng review ang OP sa panukalang EO bago ito pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sen. Go, palagi niya itong pina-follow-up sa Executive Department at inaasahan nitong pipirmahan ni Pangulong Duterte.

Tiniyak din ng senador na mababalanse sa EO ang interes ng mga consumers at traders.

“Parati ko itong pina-follow up din po sa ating Executive Department at inaasahan natin itong mapirmahan po ng Pangulo,”ani Sen. Go. “‘Yun nga po ang pinag-aaralan ngayon ng Executive (Department). Binabalanse naman po nila ang lahat… consumers, ordinaryong mamamayan and, of course, ‘yung traders din po na alam naman nating talagang apektado rin po ang kanilang pagnenegosyo.”