-- Advertisements --

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nilagdaan na ni ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 124 na nagpapataw ng price ceiling sa presyo ng baboy at manok.

Ang nasabing price ceiling ay epektibo sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang pinakamataas na presyo na dapat itakda sa pige ng baboy ay nasa P270 per kilo habang ang liempo ay nasa P300 kada kilo naman.

Sa presyo ng manok ay nasa P160 kada kilo dapat ang benta.

Binalaan naman ng Malacañang ang mga hindi susunod sa ipaiiral na price cap na sila ay papatawan ng kaparusahan.

Maaari umanong maisara ang puwesto ng mga lalabag at ang mahalaga ay sumunod sa inilabas na EO lalo na’t nasa ilalim pa din tayo ng pandemya.