Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 155 na nagtatatag ng regulasyon sa presyo ng mga gamot sa bansa.
Sinabi ni acting Presidential spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, layunin ng nasabing EO na tugunan ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa dulot ng mga sakit.
Ayon pa kay Sec. Nograles, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan sa mabilis na pag-access ng mura pero dekalidad at maaasahang gamot sa merkado.
Kabilang sa mga gamot na mapapasama sa price regulation ang 34 na drug molecules at 71 drug formulas.
Ang mga ito ang siyang ginagamit o panlunas sa bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma & chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics gayundin ang anti-glaucoma, anti-hypercholesterolemia medicines, antihypertensive medicines, anti-neoplastic/anti-cancer medicines, antiparkinsons drugs, drugs for overactive bladders, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, iron chelating agents, and psoriasis, seborrhea at ichthyosis medicines.
Ang mga hindi susunod dito ay maaaring patawan ng kaparusahan o multa na mula P50,000 hanggang P5 million at posibleng maharap sa paglabag sa Republic Act No. 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang naturang EO kahapon, December 7.
“The EO specifies that “the MRP, preceded by the words ‘RETAIL PRICE NOT TO EXCEED,’ and ‘UNDER DRUG PRICE REGULATION,’ on a red strip, shall be clearly printed on the label of the immediate container of the drug and medicine and the minimum pack thereof offered for retail,” ani Sec. Nograles