-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinuri ng World Health Oganization ang ginagawang hakbang ng Provincial Government of Ilocos Sur sa epektibong paraan upang malabanan ang COVID19 Pandemic.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, personal na nagtungo sa opisina ni Gov. Ryan Singson ang mga kawani ng WHO upang pag-usapan kung paano palalakasin ang sistema ng kalusugan at mapapanatili ang mababang kaso ng corona virus disease sa lalawigan.

Maliban dito, nais ng nasabing organisasyon na ipaalam ang mga hakbang na ginagawa ng Ilocos Sur sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa ngayon ang lalawigan ang mayroong pinakamababang bilang ng COVID19 cases na kabuuang 95 cases, 20 ang active cases at isang namatay sa buong Region 1.