Hinikayat ng isang grupo ng mga manggagawang pang-edukasyon ang gobyerno na magkaroon ng mas mahusay at mas epektibong tugon sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa gitna ng pandemya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary-General Raymond Basilio na ang kanilang pinakalayunin ay masigurong ligtas ang muling pagbubukas ng mga klase.
Para mangyari ito, kailangan ng isang relatibong antas ng kontrol sa pagkalat ng pandemya, na malinaw na ang gobyerno ay labis na nabigo.
Para sa ACT, ang mga kamakailang pahayag at patakaran ng gobyerno ay “higit na nagpapahina” sa pagtugon sa pandemya ng bansa.
Dahil dito, hinimok din ng grupo ang gobyerno na palakasin ang diskarte sa test-trace-treat strategy gayundin ang pagpapabilis sa programang bakunahan lalo na sa mga rural areas upang makontrol ang Omicron surge at ilatag ang mga kondisyon para sa ligtas na pagbubukas muli ng mga paaralan.
Nanawagan din siya para sa mas mahusay na mga hakbang sa kalusugan sa mga paaralan at ang pagbibigay ng proteksyon sa kalusugan at mga benepisyo sa mga guro at empleyado upang matiyak ang ligtas na muling pagbubukas ng paaralan.