-- Advertisements --

Mariing tinututukan ngayon ng NDRRMC at Department of Health (DOH) ang epekto ng ashfall dahil delikado ito sa kalusugan.

Kinumpirma ng NDRRMC na marami na rin ang nagkakasakit dahil sa makapal na usok na ibinubuga ng Bulkang Mayon.

Hindi din dapat mabahala ang mga residente sa Albay kasunod sa ulat na nagkakaubusan na ng supply ng gas mask sa lugar.

Pinayuhan ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan ang mga residente na maari nilang gamitin ang mga bimpo, damit at mga kurtina pero kailangan nilang basain ito ng sa gayon ma filter nito ang hangin.

Sinabi ni Marasigan kailangang ma filter ang mga alikabok bunsod ng ashfall dahil napaka hazardous nito sa kalusugan.

Dagdag pa ni Marasigan na agresibong tinututukan ng DOH ang mga evacuees na nasa 69 evacuation centers.

Tiniyak din ni Marasigan na may mga doktor at nurses mula sa DOH ang sumusuri ngayon sa kondisyon at namimigay ng mga gamot.

May karagdagan pang 7,000 family food packs ang nakatakdang ideliver sa Albay na ikinakarga na ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kasamang ibinibigay sa family food packs ang mga gas mask na ibinahagi sa mga evacuees.

Sa ngayon nasa kabuung 26,000 family food packs na ang ibinihagi ng pamahalaan sa Albay.