-- Advertisements --
Minimal lang ang epekto ng bagyong Aghon sa Calabarzon region ayon sa regional disaster and risk reduction management office.
Sa kabila nito nakahanda ang aabot hanggang sa 1,835 evacuation centers sa buong rehiyon para sa inaasahang pagdagsa ng mga ililikas na mga residente.
Sa naturang bilang, tanging nasa 5 evacuation centers ang okupado ng nasa 81 pamilya o katumbas ng 194 indibidwal.
Samantala, nawalan ng suplay ng kuryente ang ilang parte ng Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.
Bumuo na rin ng search and rescue teams gayundin ng reactionary standby support forces para tumugon sa emerency situations.