-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Minimal lamang ang epekto ng bagyong Karding sa mga paaralan sa region 1.

Ayon kay Dr. Tolentino Aquino – Director ng DepEd Region I, may mangilan ngilan lang ang nagkaroon ng pagbaha.

Sa pangkalahatan, ligtas aniya ang mga kawani at mga mag aaral noong kasagsagan ng bagyo.

Samantala, Umaabot sa 41 na silid aralan ang nagamit para gawing evacuation center at inokopahan ng 170 na pamilya.

Karamihan sa mga classroom at eskuwelahan na nagamit ay mula sa lalawigan ng Pangasinan at mangilan ngilan lang sa La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Sa ngayon 100 porsyento nang balik eskuwela ang mga mag aaral.

Pinahihintulutan naman ang mga paaralan na magsagawa ng make up class para mabawi ang mga araw na sinuspindi ang klase dahil sa bagyo.

Dagdag pa ni Aquino na karamihan na sa mga paaralan ngayon ay nagsasagawa ng limang araw na face to face classes habang may ibang blended learning pa ang ipinapatupad dahil sa kakulangan ng silid aralan.