-- Advertisements --
Ramdam na ang hangin at ulang dala ng bagyong Obet sa Northern Luzon at mga isla sa dulong hilaga nito.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 660 km sa silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas pa rin ang signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).