BAGUIO CITY – Nararamdaman na sa lungsod ng Baguio ang epekto ng banta ng 2019 novel coronavirus partikular sa sektor ng turismo.
Ayon kay Andrew Pinero, tagapagsalita ng Hotel and Restuarant Association of Baguio (HRAB), kinansela ng ilang turista ang ipina-reserba nilang akomodasion sa ilang hotels sa lunsod.
Ipinaliwanag niya na karamihan sa mga turistang nangkansela sa kanilang reservations ay mga foreign tourist.
Inihayag ni Pinero na hindi naman apektado ng 2019 novel coronavirus ang mga naturang turista ngunit nais lamang nilang mag-ingat dahil maituturing na pandaigdig na suliranin ang nasabing sakit.
Gayunpaman, ipinagmalaki ni Pinero na marami pa ring local tourist ang namamasyal ditoy sa City of Pines lalo na’t natuloy ang pagbubukas ng Panagbenga 2020 kahit naging simple lang ito at kahit hindi natuloy ang Grand Opening Parade.
Aniya, pangunahing nakakaakit sa mga turista ang malamig na temperatura ng lunsod lalo na’t naitala ang 10.2 degrees celcius na pinakamababang temperatura ngayong araw.
Samantala, temporaryong isinara ang Philippine Military Academy (PMA) sa mga turista dahil pa rin sa banta ng coronavirus.