-- Advertisements --

Inamin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong epekto sa ekonomiya ang ipinatupad na COVID-19 restriction sa NCR Plus bubbles.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, ang limitadong paggalaw dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) nitong Marso ay may epekto ito sa ekonomiya.

Kahit aniya na niluwagan ng gobyerno at isinagawa sa modified enhanced community quarantine ay apektado pa rin ang ekonomiya dahil sa marami pa rin ang hindi nakakabalik sa kanilang trabaho at maraming mga negosyo ang limitado ang operasyon.

Magugunitang inilagay ng gobyerno sa ECQ at matapos ang dalawang linggo ay MECQ ang National Capital Region, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.