-- Advertisements --
Nasa rurok na ang epekto ng El Niño sa bansa.
Dahil ito ay nagbabala ang PAGASA na asahan ang mas mainit na panahon sa darating na mga araw.
Ayon kay Climate Monitoring and Prediction Section chief Analiza Solis ng PAGASA, na maaring umabot ng lagpas 40 degress Celsius ang mararanasang temperatura sa Northern Luzon.
Ang nasabing temperatura ay hindi pa kabilang ang heat index na nararamdaman ng isang tao.
Ang heat index ay mas mainit pa ng hanggang tatlo o five degrees.
HInikayat nito ang publiko na laging uminom ng tubig, magsuot ng mga preskong damit at proteksyon laban sa araw tuwing nasa labas.