NAGA CITY- Minimal lamang ang epekto ng EL Niño sa rehiyon Bicol.
Ito ang binigyan diin ni Ed Yu, tagapagsalita ng National Irrigation Administration (NIA)-Bicol sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga.
Ayon kay Yu, sa kanilang partial monitoring, may 5,600 heactares ng lupa sa rehiyon ang apektado ng labis na init ng panahon at ng kakulangan ng suplay ng tubig.
Sa kabila nito, agad din aniyang nasolusyunan ng ahensya ang naturang problema.
Kinumpirma rin ni Yu na sa loob ng ilang buwang walang naramdamang pag-uulan, halos 40% ang ibinaba ng tubig mula sa kanilang mga water sources.
Sa ngayon, nagtapos na aniyang pag-ani ang mga magsasaka mula sa Camarines Sur at Camarines Norte kung kaya itinugil na muna nila ang patubig sa naturang mga lugar.
Sa bahagi naman ng Rinconada area, inaasahang mahuhuli ang ani sa lugar dahil sa naging epekto ng bagyong Usman.
Sa kabila nito, inaasahan namang ialabas ng ahensya ang kabuuang data ng totatally affected areas sa katapusan ng buwan ng Hunyo.