-- Advertisements --
ILOILO CITY- Umaabot na sa higit P400 million ang epekto ng El Niño sa buong Lalawigan ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Provincial Agriculturist, Dr. Ildefonso Toledo, umabot na sa 27 bayan sa Iloilo ang apektado ng El Niño.
Ayon kay Toledo, halos 11,500 ektarya ng palayan ang apektado ng El Niño, kung saan 9,000 ektarya ang partially damaged at 2,500 ektarya naman ang totally damaged.
Umaabot naman sa kabuuang 24,000 metriko tonelada ng palay ang nalugi.
Dagdag din nito, maaaring madagdagan pa ang mga bayan na apektado ng El Niño dahil ang palayan pa lang ang kanilang nabilang at hindi pa kasama iba pang mga pananim.