-- Advertisements --

Posible nang makabili ng murang bigas simula sa Agosto ayon sa Department of Agriculture. 

Darating na umano sa bansa ang mga imported na bigas na mas mababa ang presyo dahil sa epekto ng Executive Order no.62 o 15% na bawas sa taripa sa mga inaangkat na bigas at ibang produkto. 

Inaasahan na mararamdaman ang bawas na P6-P7 sa presyuhan ng imported na bigas batay sa pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA). 

Isasailalim naman umano sa pagsusuri kada apat na buwan kung epektibo ba ang EO para mas mapanatili pa ang murang bigas at mas makinabang pa ang mga mamimili.