-- Advertisements --

Magtatagal pa ang epekto ng habagat sa Northern Luzon at ilang bahagi ng ating bansa dahil sa dalawang bagyong malapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa palayo kasi ng typhoon Hanna na may international name na “Lekima,” nahatak nito ang southwest monsoon, habang may isa pang bagyo sa silangan na magtutuloy sa paghila ng ulap mula sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, lantad pa rin sa baha ang mga mabababang lugar sa Metro Manila, Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, Batanes, Babuyan Group of Islands, Mindoro Provinces at Palawan.

Samantala, nawasak naman dahil malakas na hangin ang mga tent ng DSWD sa Ibayat, Batanes na una nang naapektuhan ng killer quake.

Sa China at Taiwan naman ay nagsimula nang lumikas ang mga residenteng apektado ng bagyo.

Umaabot kasi sa lima hanggang anim na palapag ng gusali ang taas ng humahampas na alon sa dalampasigan ng Zhejiang Province sa China.