-- Advertisements --

LAOAG CITY – Umabot na sa mahigit 28, 063 ang kaso ng covid-19 idiay Switzerland kung saan 1,187 ang mga namatay na karamihan ay mga matatanda.

Sa report ni Bombo International Correspondent Shelly Ann Antonio Haefliger, frontliner dahil isang nurse sa Luzern, Switzerland, sinabi niya na dahil sa virus ay ipinatupad ang lockdown.

Dahil dito, pinasara ang karamihan sa mga establisimiento at halos lahat ng residente ay nagtatrabaho sa loob ng bahay.

Pero sinabi ni Haefliger na ang mga construction workers ay patuloy pa rin ang kanilang pagtatrabaho pero dapat dalawang metro ang distansya ng bawat isa.

Dagdag niya na bilang bahagi ng lockdown ay marami ang tumigil sa pagtatrabaho at nawalan ng trabaho.

Subalit sinabi ni Haefliger na halos hindi maramdaman ng mga tao ang epekto ng lockdown dahil sa suportang ibinigay ng gobyerno.

Kwento pa ni Haefliger na ang mga nawalan ng trabaho ay naibibigay pa rin sa kanila ang 80 porsiyento ng kanilang sahod mula sa gobyerno.