-- Advertisements --
Malalakas na pag-ulan pa rin ang aasahan ngayong araw sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa binabantayang low pressure area (LPA).
Sa nakalipas na mga oras, tumaas pa ang direksyon nito, kaya nakakaapekto na rin hanggang sa Southern Luzon.
Babala ng Pagasa, maaari itong magdulot ng panibagong baha sa mga nasa low lying areas.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 75 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Habang hanging amihan naman ang nakakaapekto sa Northern Luzon.