Kampante ang Department of Trade and Industry na unti-unti nang nararamdaman sa malaking bahagi ng bansa ang epekto ng mas mababang taripa ng bigas at iba pang mga agricultural product.
Batay sa pag-iikot ng DTI sa mga pamilihan sa National Capital Region ngayong lingo, mayroon na umanong mga bigasan na nagbebenta ng hanggang P45.00 kada kilo.
Sinabi ni DTI Asec. Agaton Uvero na ang pagbaba sa presyo ng bigas ay humigit-kumulang dalawang buwan lamang mula nang naging epektibo ang Executive Order 62 ni PBBM.
Nakikita ng DTI na ang pagbaba ng taripa ng mga imported na bigas ay direktang naka-apekto sa lokal na presyuhan ng bigas.
Naging epektibo ang naturang EO noong unang linggo ng Hulyo, 2024.
Sa kabila nito, una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na maaaring sa Enero 2025 pa mararamdaman ang malakihang epekto ng EO 62.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr, maaaring maapektuhan muli ng holiday season ang presyuhan ng bigas sa kabila ng epekto ng EO 62.