Umapela ngayon si Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz ng alternative livelihood program para sa kanyang mga constituents na apektado pa rin ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Naujan, Oriental Mindro.
Ayon sa alkalde, lalo pa raw kasing lumala ang epekto ng oil spill sa kanyang bayan.
Aniya, mas maraming amount daw ng oil spill ang umabot sa area na nakakaapekto sa pangkabuhayan ng mga mangingisda.
Una rito, ngayong buwan lamang nang suspendehin ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang fishing activities sa mga lugar na apektado ng oil spill dahil sa posibleng water toxification.
Kung maalala, ang MT Princess Empress ay lumubog noong Pebrero 28 sa Naujan na may kargang 900,000 liters ng industrial fuel.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Cruz, sinabi nitong inihahanda na raw nila ang kasong isasampa labans a may-ari ng MT Princess Empress.
Sa ngayon, patuloy ang pagkala ng impormasyon ng Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ng mga ebidensiya para sa isasampang kaso laban sa may-ari ng oil tanker.