Nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magiging ‘limited’ lamang ang impact ng invasion ng Russia sa Ukraine pagdating sa ekonomiya ng Pilipinas at sa banking system ng bansa.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliit naman kasi ang exposure ng Pilipinas pagdating sa pagnenegosyo at maging sa geographically rin.
Noong nakaraang linggo, nagbabala ang Ukraine sa panibagong opensiba ng Russian forces, kasaba nang paglikas nila sa mga na-trap na sibilyan sa east at south part ng bansa.
Pero pinaalalahanan ni Diokno ang mga local lenders hinggil sa “minimal” financial exposure ng Pilipinas sa parehong Russia at Ukraine, at ang trade relations sa dalawang bansang ito ay “neglible” sa ngayon.
Nabatid na ang exports sa Russia ay pumalo sa $120 million o 0.2 percent lang ng total exports sa nakalipas na taon, habang ang exports naman sa Ukraine ay pumalo sa $5 million.
Pagdating naman sa cross-border deposit liabilities ng Pilipinas, sa Russiay pumalo ito sa $672,000 at $969,000 naman sa Ukraine hanggang noong katapusan ng Setyembre 2021.