Nagbabala ang Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs) sa mga mamamayan na posible pang lumawak ang epekto ng sulfur dioxide (SO2) mula sa Taal Volcano.
Ayon sa DOST-Phivolcs na nakarating na sa Metro Manila at karatig na probinsiya ang sulfur dioxide.
Inilipad umano ng hangin ang sulfur dioxide kaya nakaranas ng bahagyang paglabong kapaligiran ang Metro Manila, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.
Inamin din nila na nagkamali sila sa unang obserbasyon na ang naranasang paglabo ng kapaligiran sa Metro Manila ay dulot ng pollution at hindi sa smog o vog mula sa Taal.
Naglabas na din sila ng mga paraan para maiwasan ang anumang iritasyon sa katawan mula sa sulfur dioxide tulad nang paggamit ng N95 na face mask.