-- Advertisements --

Mahigpit na mino-monitor ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang epekto ng wage adjustments hindi lamang sa mga mawawalan ng trabaho kundi maging sa mga kumpanya, ito ang inihayag ni labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Tinatayang nasa 40,000 hangangg 140,000 na mangagawa ang naapketuhan sa ipinatupad na wage hike.

Sinabi ni Laguesma, sa ngayon wala silang namonitor na may mga kumpanyang nagsara dahil sa P35 wage increase.

Dagdag pa ng kalihim, anumang mga pagbabago mayruon itong positibo at negatibong epekto.

Giit pa ni Laguesma sa positive side kanilang nakikita ang lumalagong ekonomiya ng bansa at nakakahanap ng permanenteng trabaho ang mga manggagawa.

Inihayag ni Laguesma mayruong Labor and Emplyment Plan ang DOLE sa pakikipag tulungan sa TESDA at ang programang Trabaho Para sa Bayan Plan.

Aniya sa mga nasabing programa, makikita na ang direksiyon ng pamahalaan na magkaroon ng productive, remunerative at sustainable jobs para sa mga Filipino.

Samantala sa panig naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, iniulat nito ang negatibong epekto ng wage hike sa mga manggagawa at sa national output ng Gross Domestic Product ng bansa.

Sinabi ni Balisacan na posibleng pataasin ng wage hike ang unemployment rate ng bansa.

Tinatayang nasa 40,000 hanggang 140,000 na mga manggagawa ang maaapektuhan, depende sa rehiyon at sa laki ng itinaas ng dagdag sahod.

Naniniwala naman si Balisacan na hindi ito magiging pangmatagalang suliranin dahil masigla ang labor market at patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

Binigyang-diin pa ng kalihim na hindi lamang nakatuon ang pamahalaan sa pagpaparami ng trabaho kundi sa pagbibigay din ng de-kalidad na klase ng trabaho.

Kaya’t puspusan ang panghihikayat ng Marcos administration sa mga lokal at dayuhang investors na magtayo ng kanilang negosyo sa bansa.