DAVAO CITY – Nananatiling bukas ang anim na trail papuntang Mount Apo taliwas sa mga pangamba na muli itong isara upang maiwasan ang muling pagkasunog nito noong 2016.
Kabilang dito ang mga trails sa Kidapawan, Makilala, at Magpet sa North Cotabato; gayundin ang Digos City, Sta. Cruz, at Bansalan sa Davao del Sur.
Sa ngayon, nakasara pa rin ang Mount Talomo trail na kinaroroonan ng watershed area ng Lungsod ng Davao kung saan nakatira ang Philippine eagle.
Ayon kay Fred Buenaflor, deputy protected area superintendent sa Department of Environment and Natural Resources-Davao del Sur, napagkaisahan ng Protected Area Management Board kahapon na obserbahan muna nila ang kalagayan ng Mount Apo kung hindi ba ito manganganib sa forest fire lalo na’t nakaranas ng weak El Niño ang rehiyon.
Dagdag pa ni Buenaflor na maglulunsad ng information dissemination sa mga tour guide at climbers, gayundin sa mga katutubo sa Mount Apo at sa lokal na pamahalaan,na may binuksang trail.
“There are six trail that are still open thru Mount Apo, this excludes the trail from the Talomo side that is close. Napagkaisahan na i-observe muna ang current situation, because we have prioritized the information education and awareness ng mga tour guides, porters, and climbers upang maiwasan ang sunog,” ani Buenaflor.