-- Advertisements --

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mararamdaman p a rin hanggang sa taong 2022 ang malaking pinsala sa agrikultura at turismo ng bagyong Odette.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na damyos ng nasabing bagyo ay may malaking epekto sa produksyon sa agrikultura at problemang dulot nito sa turismo.

Naging malawak aniya ang pinsala ng bagyong Odette kumpara noong nananlasa ang bagyong Yolanda noong 2013.

Aabot aniya sa halos P400 milyon ang economic damage ng nasabing bagyong Odette base sa inisyal report nila.

Inaasahan din nila ang pagtaas ng damyos sa mga susunod na araw.