Makapigil hininga ang naging panalo ng Washington Wizards matapos itala ang come-from-behind win laban sa super team na Brooklyn Nets.
Ginulat nina Russell Westbrook at Bradley Beal ang grupo ng big guns na sina Kevin Durant at Kyrie Irving upang iposte ang unang panalo sa loob ng limang mga laro.
Una rito sa 8.1 seconds na nalalabi sa game at abanse pa ang Brooklyn ng two points pero naipasok ni Beal ang 3-pointer.
Pero nang ilabas ng forward na si Joe Harris ang bola para ipasa kay Durant, bigla itong naagaw ni Garrison Mathews at ipinasa kay Westbrook na swerteng pumasok ang bola mula sa 3-point area na naging hudyat upang dumagundong ang selebrasyon ng Wizards para ma-upset ang Brooklyn, 149-146.
Labis naman ang panghihinayang nina Irving at Durant dahil panalo na sana sila.
Ang kanilang epic collapse ay inamin ni Harris na meron pa namang career-high na 30 points.
Sa kabuuan nagbuslo si Westbrook para sa Wizards ng 41 big points, 10 rebounds at eight assists, habang nasayang ang 37 points ni Durant.
Si Beal naman ay may 37 points kung saan ang 22 points ay naipasok lahat sa fourth quarter.
Samantala si James Harden ay hindi naglaro bunsod ng thigh contusion na unang pagliban mula nang ma-trade siya sa Houston noong Jan. 13.
Ang next game ng Nets ay host sila sa Clippers sa Miyerkules.
Ang Wizards naman ay host sa Portland.