-- Advertisements --

Nagtakda ng deadline ang Philippine Sports Commission kung kailan nila target na mailagay na sa kanilang warehouse ang lahat ng mga equipment na gagamitin para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, puntirya daw nila na makuha na ang lahat ng mga equipment sa darating na Nobyembre 15, o dalawang linggo bago mag-umpisa ang regional meet.

Kinausap na rin umano ng task force na binubuo ng mga kinatawan mula sa PSC, Philippine Olympic Committee (POC), at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang mga national sports association (NSA) para mapabilis ang proseso.

Sa ngayon ay tanging 11 mula sa 57 na kasaling NSA ang nakuha na ang kanilang kailangang equipment.

“The cooperation among the PSC, POC and PHISGOC is very solid and they are doing a good job screening all the equipment requirements and other requests of the NSAs. The SEA Games task force had gone full blast. We expect everything to be done by next week,” wika ni Ramirez.

Samantala, sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Team Philippines deputy chef de mission Stephen Fernandez, tiniyak nitong ginagawa ng kanilang hanay ang lahat para masigurong darating sa mabilis na panahon ang lahat ng sports equipment na gagamitin sa SEA Games.

“It’s actually on the works, ginagawan ko naman ng paraan especially na paabutin talaga sa SEA Games. So rest assured naman na we are doing everything,” ani Fernandez.