-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa lahat ng mga constituents na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya at maging patas upang masiguro ang equitable distribution ng mga resources sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Binigyang-diin ni Romualdez na kaniyang sisiguraduhin na bawat pamilyang Pilipino ay kabilang sa development plan agenda ng gobyerno at makakatanggap ng mga basic services na ibinibigay ng pamahalaan.

Aniya, dapat walang pamilyang Pilipino ang maiiwan.

Pagtiyak din ng House Speaker na sa kaniyang pamumuno ay hindi ito magiging partisan lalo na sa minority.

Nangako din si Romualdez na ang kaniyang opisina ay magiging bukas sa lahat ng mga kasamahan niyang mambabatas para sa anumang concerns.

” We will work hand-in-hand to ensure the swift passage of House measures that are needed by the people and would support development across all sectors of society and different levels of government. With unity of purpose, there is nothing that we cannot do,” pahayag ni Speaker Romualdez.