-- Advertisements --

Nasa mechanical ventilation si dating Pangulong Joseph Estrada na unang nagpositibo sa COVID-19 matapos lumala ang kaniyang pneumonia.

Ayon sa anak nito na si dating Senator Jinggoy Estrada, kailangan nilang ibalik sa pagamutan ang ama dahil tumaas ang kinakailangan nitong oxygen requirement.

ERAP JINGGOY
Ex-Pres. Joseph Estrada (photo grab from Sen. Jinggoy video)

Kailangan umano siyang dalhin sa mechanical ventilation upang ma-improve ang oxygen delivery at maiwasan na mapagod ang kaniyang respiratory mechanism.

Dahil dito, umapela muli ng panalangin mula sa publiko ang dating mambabatas para sa recovery ng kaniyang ama.

Kung maaalala, nauna nang dinala sa ICU ang dating pangulo ilang araw matapos magpositibo ito sa COVID-19.